Monday, April 8, 2019

Bagong off-road model CRF250L ng Honda, inilabas na

Inilibas na ng Honda Philippines, Inc. (HPI) ang bagong nitong off-road model na CRF250L na layong i-excite ang mga off-road enthusiasts.

Ayon kay Hervic Villa, department manager for motorcycle planning ng HPI, layon ng CRF250L na pasayahin ang mga off-road enthusiasts at gearheads. Ayon pa sa kanya, ang bagong modelo ay hindi lamang perpekto sa tough terrains at dirt road ngunit maaari ring gamitin para sa pang-araw-araw na pag-alis at paglilibang.

Ang bagong CRF250L ay nilagyan ng inverted at long-travel front fork at isang pro-link rear suspension na namamahala sa agresibong bumps ng dirt road habang pinapanatili ang kaginhawahan sa mga riders.


Ang bagong bike ay mayroon ding digital meter panel at powerful na 250cc fuel-injected engine na binuo upang makapaghatid ng sapat na output para sa rider. Mayroon din itong agresibong on/off road sports na disensyo na kahalintulad ng sa CRF250R variant, na nagbibigay dito ng tougher image habang nasa daan.

Ang mga kapansin-pansing pagbabago sa modelo ay nagmula sa scheme ng kulay nito. Ang dating puting headlight ngayon ay pula na, habang ang gintong front fork color ay ngayon bronze. Ang pilak na rim color ay ngayon itim, at ang silver na top at bottom bridge nito ay ngayon itim na rin.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin and kanilang official website – www.hondaph.com o follow them sa kanilang official Facebook page – www.facebook.com/hondaph/.

No comments:

Post a Comment